Suspek sa gahasa ng dalagita himas selda

DINAKMA ng pulisya ang 26-anyos na kelot na akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na dalagita Biyernes ng hapon sa Makati City.

Binasahan kaagad ng kanyang karapatan sa ilalim ng Miranda Rights si alyas “John Carlo” nang dakpin ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director Randy Arceo sa kanto ng Bernardino St. st EDSA sa Brgy. Viejo, dakong alas-5:40 ng hapon.

Inaresto nina P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr., hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 na may petsang Pebrero 11, 2026 para sa kasong Statutory Rape by Sexual Assault.

Pansamantalang nakapiit sa DSOU-SPD custodial facility ang akusado na bagama’t mabigat ang kasong kinakaharap ay pinayagan pa rin siyang makapaglaak ng piyansang P200,000.00 ng hukuman para sa pansamantalang paglaya.

The post Suspek sa gahasa ng dalagita himas selda appeared first on Journal News Online.

About admin