WALO katao ang nahuli sa aktong tumataya sa ilegal na tupada (sabong na wala sa cockpit arena) sa Villa Leyva 2, Brgy. Sta Cruz, Antipolo City noong Sabado.
Kabilang sa mga naaresto na sina alyas Mark, Jose, Carlito, Ernie, Roberto, Deric, Gari at Ricardo.
Dalawang fighting cocks na may tari ang nabawi ng mga miyembro ng Antipolo City police at bet money na umaabot sa P4,500.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.
The post 8 tumataya sa tupada laglag sa Antipolo appeared first on Journal News Online.