TINATAYANG aabot sa P16 na milyong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian sa sunog na sumiklab sa Lunes ng madaling araw sa Muntinlupa City.
Nagsimula ang sunog dakong alas-4:53 ng madaling araw na tumupok sa ikalawang palapag ng Royal Indian Curry House na pag-aari ng isang Tristan Kumar sa may Filinvest Avenue, Acacia Hotel, Brgy. Alabang.
Sa ipinadalang ulat ng Muntinlupa City Media Group, umabot lamang sa unang alarma ang sunog na idineklarang under control alas-5:47 bago tuluyang naapula ng alas-6:08 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog habang inaalam pa ni SFO3 Mark Gil Bielma ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
The post Indian restoran nasunog; halaga ng napinsala P16M appeared first on Journal News Online.